Nakapagtala ng bahagyang pagtaas at pagbaba sa lebel ng tubig ang ilang pangunahing dam sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Batay sa tala kaninang alas-otso ng umaga, ngayong Lunes, anim sa siyam na pangunahing dam sa bansa ang nagtala ng pagtaas sa water level, habang tatlo naman ang nakapagtala ng pagbaba kumpara sa lebel ng tubig noong Linggo, Oktubre 18.
Ang Caliraya Dam sa Laguna ang nagtala ng pinakamalaking pagtaas sa water level, na nadagdagan ng 0.40 metro mula 286.30 metro ay naging 286.70 metro.
Sinundan ito ng Ambuklao Dam sa Benguet, kung saan tumaas ng 0.14 metro ang water level mula 751.06 metro ay naging 751.20 metro.
Tumaas din ng 0.05 metro ang lebel ng tubig sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija.
Samantala, bumaba ng 0.05 metro ang water level sa Angat Dam sa Bulacan.
Nakapagtala rin ng pagbaba sa lebel ng tubig ang Binga Dam sa Benguet, na bumaba ng 0.08 metro.
Gayundin, bumaba ang water level sa Magat Dam sa Isabela mula 191.88 metro ay naging 191.75 metro, katumbas ng pagbaba na 0.13 metro.
Bahagya namang tumaas ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City, na ayon sa datos ay nanatili sa 79.44 metro














