-- Advertisements --

Bahagyang tumaas ang antas ng tubig sa mga pangunahing dam sa Luzon dahil sa mga serye ng pag-ulan na naranasan sa mga nakalipas na araw.

Ito ay sa gitna ng banta ng El Nino na inaasahang magtagal ng ilang buwan hanggang sa unang bahagi ng 2027.

Batay sa Oct.-24 report ng state weather bureau, kabilang sa mga nakapagrehistro ng pagtaas ay ang Ipo Dam at Pantabangan Dam sa Central Luzon, Ambuklao Dam at Binga Dam sa Cordillera Administrative Region, at Caliraya Dam sa Calabarzon Region.

Lumalabas sa naturang report na umangat ng 32 centimeters ang Ipo Dam, 34 cm ang Ambuklao, 31 cm ang Binga, at parehong 6 pm ang Caliraya at Pantabangan.

Sa kabilang banda, bumaba naman ang antas ng tubig sa iba pang major dam sa Luzon, tulad ng Angat, San Roque, at Magat – tatlong pinakamalalaking dam sa buong bansa.

Nananatili namang matatag ang antas ng tubig sa mga naturang dam at karamihan ay malapit sa kani-kanilang Normal High Water Level (NHWL).