Kinuwestiyon ng kampo ni Sen. Bato dela Rosa ang alok na P50-milyong pabuya para sa kaniyang pagkakaaresto, at iginiit na walang legal na batayan ang naturang reward.
Ayon sa kaniyang mga abogado mula sa Torreon & partners, dapat tukuyin ng gobyerno ang lokal na korte na naglabas ng warrant of arrest laban sa Senador at ilabas ang memorandum ng Department of the Interior and Local Government na nagpapahintulot sa pabuya.
Nauna nang sinabi ni interior secretary jonvic remulla na itinuturing na ng mga awtoridad si dela Rosa bilang armado at mapanganib. Hindi na rin Ito nakikita sa publiko mula noong kalagitnaan ng mayo, matapos manatili nang ilang araw sa loob ng senado dahil sa tangkang pag-aresto sa kaniya.
Nahaharap si dela Rosa sa arrest warrant ng International Criminal Court kaugnay ng mga pagpatay na iniugnay sa drug war ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa The Hague.















