-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad ang journalist na si Philip Lustre Jr, dahil sa kasong cyberlibel.

Inihain ng mga kapulisan ang warrant of arrest na inilabas ng korte sa Davao City sa Quezon City kung saan dumalo ito sa isang forum.

Binasahan ito ng mga arresting officers ng Miranda rights.

Si Lustre ay siyang may akda ng librong “Kill, Kill, KIll” na patungkol sa drug war ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Giit nito na wala siyang alam sa kasong isinampa laban sa kaniya.

Magsisilbi namang bilang legal counsel niya si Atty. Dino De Leon.

Ayon kay De Leon na maghahain sila ng piyansa at hihingi ng humanitarian consideration para kay Lustre na isa ng senior citizen na may edad na 72.

Maghahain din sil ang motion to quash para ideklara na null o invalid ang nasabing arrest order.