Magpapatupad ang Philippine National Police (PNP) ng full alert status sa buong bansa simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2 bago ang obserbasyon ng All Saint’s Day at All Soul’s Day o Undas.
Ayon kay PCol. Allen Rae Co, ang hepe ng Public Information Office ng Philippine National Police (PNP) , na layon nito ay para maging mapayapa ang pagbiyahe ng mga uuwi sa kanilang probinsiya ganun din ang pagbisita ng publiko sa mga sementeryo.
Magpapakalat ang kapulisan ng 72, 501 na mga pulis bukod pa ang halos 17,000 na mga personalidad mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guards at ilang mga ahensiya.
Mayroon na rin mahigpit na ugnayan ang mga kapulisan sa iba’t-ibang local government units para matiyak ang pagpapalaganap nila ng seguridad.












