Kinondena ni Senador Raffy Tulfo ang patuloy na paglaganap ng mga pekeng identification card para sa Persons with Disabilities (PWD), na ginagamit umano ng mga indibidwal na hindi naman PWD upang makakuha ng 20 porsiyentong diskuwento at iba pang benepisyong nakalaan para sa mga taong may kapansanan.
Inihayag ni Tulfo ang kaniyang pagkondena sa pagdinig ng Senate Committee on Finance kaugnay ng panukalang 2027 budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga attached agency nito sa Senado sa Pasay City nitong Miyerkules.
Binigyang-diin ng senador ang pangangailangang matugunan ang pang-aabuso sa sistema ng PWD ID upang matiyak na ang mga diskuwento at benepisyo ay napupunta sa mga lehitimong benepisyaryo.
Ang patuloy na paggamit ng mga pekeng ID ay nagdudulot ng pangamba sa pagpapatupad ng mga benepisyong nilikha upang makatulong sa mga gastusin at pang-araw-araw na pangangailangan ng mga taong may kapansanan.
-- Advertisements --













