-- Advertisements --

Kinuwestiyon ni Senator Raffy Tulfo ang Professional Regulation Commission o PRC kaugnay ng umano’y mabagal na aksyon sa kaso ng isang plastic surgeon na iniuugnay sa pagkamatay ng mga pasyente, gayundin sa alegasyon ng leakage sa board examinations.

Sa Senate budget hearing, tinanong ni Tulfo kung bakit hindi pa nababawi ang lisensya ng surgeon na umano’y sangkot sa pagkamatay ng dalawang pasyente noong 2017 at 2026. Inakusahan din niya ang PRC ng katiwalian kaugnay ng paghawak sa naturang kaso.

Ayon sa PRC, naihain na noong 2021 ang kaso kaugnay ng insidente noong 2017, habang magsasagawa naman ito ng motu proprio investigation sa mas bagong kaso.

Samantala, sinabi ni DOLE Secretary Francis Tolentino na agad nilang iinspeksyunin ang clinic ng surgeon.

Kung mapatutunayang lumabag sa Article 128 ng Labor Code, maaari umano itong ipasara ng kagawaran.