-- Advertisements --

Sumang-ayon si defense spokesperson Atty. Michael Poa sa panawagan ni Rep. Teryy Ridon na dapat pantay ang pagpapatupad ng sub judice rule, kasunod ng stern warning ng impeachment court sa mambabatas.

Ito ay matapos igiit ni Ridon na dapat ding isaalang-alang ang mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte, kabilang ang tinawag nitong “Sarsuela” ang impeachment proceedings.

Ayon kay Poa, haharapin ng depensa sakaling maging isyu sa impeachment court ang alinman sa mga pahayag ng Bise Presidente.

Aniya, may posisyon sila rito ngunit ilalatag lamang ito kung formal nang ihaharap sa impeachment court.

Iginiit ni Poa na pabor sila sa fairness at maging siya ay dapat pagsabihan kung sakaling magkaroon ng maling pahayag.

Sinabi rin niyang batid ni VP Sara, na isa ring abogado, ang sub judice rule at napag-usapan na nila ito noon.