Tuloy sa Nobyembre 21 ang plebiscite para sa conversion ng Naga City bilang highly urbanized city, ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, una sanang isasabay ang plebiscite sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2. Gayunman, ipinagpaliban sa 2028 ang BSKE kaya hiwalay nang isasagawa ang plebiscite.
Sinabi ni Garcia na hiniling mismo ni Naga City Mayor Leni Robredo na ituloy ngayong taon ang plebiscite at handang sagutin ng lokal na pamahalaan ang karagdagang Php 30M na kakailanganin para rito.
Mula sa Php 20M na nakalaan sana para sa plebiscite, aabot sa Php 50M ang kabuuang pondo na kakailanganin ngayong magkahiwalay na itong isasagawa. Tanging mga rehistradong botante ng Naga City, na nasa halos 160,000, ang maaaring bumoto sa plebiscite.
Habang ang sa Alabang at Davao naman na mga plebisito ay pinag-aaralan pa rin kung anong mangyayari dahil kailangan ito isaguni sa mga lugar na kailangan ng plebisito. Mangangailangan kasi ito ng hiwalay na pondo kung hindi isasabay sa BSKE.














