-- Advertisements --

Inatasan ng Sandiganbayan Third Division ang National Bureau of Investigation (NBI) na dalhin si Samchan Foreign Exchange Corp. president Felicito Guevarra sa korte sa darating na Disyembre 4.

Sa nasabing araw kasi ay isasagawa ang huling bail hearings para kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Si Guevarra ay ang co-accused ni Romualdez sa umanoy P7.4 bilyon flood control na kickbacks.

Ang nasabing pagdinig ay unang itinakda ngayong Nobyembre 27 subalit ito ay iniurong ng Sandiganbayan sa Disyembre 4.

Balak din ng prosecution na ipresenta si Guevarra bilang state witness kapalit ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.

Una na kasing hinilng ng prosecution na tuluyang alisin si Guevarra sa kasong plunder at payagan itong tumestigo laban kay Romualdez.

Subalit sinabi ni Sandiganbayan Third Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma na ang nasabing usapin ay isinumite na para sa resolution.

Mas pinili din ng prosecution na ikustodiya muna sa NBI si Guevarra kaysa ilipat ito sa Quezon City Jail sa Payatas dahil na rin sa pangamba sa seguridad nito.