Tiwala ang Office of the Ombudsman na mapapabilis na matapos ang kaso laban kay dating house speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, na ang pagsuko sa mga otoridad ni Samchan Foreign Exchange Corp. president Felicito Guevarra, na kapwa akusado ni Romualdez ay maaring sa loob ng isang taon ay matapos na nila ang kaso.
Nagbalik ng pera si Guevarra ng P324 milyon sa gobyerno na ito ang halaga na kaniyang komisyon o kinita sa transaksyon.
Dahil dito ay testigo siya para sa pagdinig laban kay Romualdez.
Napirmahan na rin ni Remulla ang immunity agreement kaya magiging state witness na siya.
Ayaw rin nito ng magkaroon pa ng delaying tactics kaya kapag naipursige ang kaso ay mabilis itong matatapos agad.
Kung noon ay aabot sa 15 taon bago matapos ang kaso ay ngayon ay baka aabot na lamang ito sa isang taon.
Magugunitang sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Guevarra na kapwa akusado ni Romualdez at dating Ako-Bicol partylist Rep. Zaldy Co sa maanomalyang kontrata sa mga flood control projects.
Nahaharap sina Romualdez at Co ng P7.44 bilyon na plunder case kung saan kapwa nila itinanggi ang nasabing alegasyon.
















