-- Advertisements --
Tuluyan ng naging ika-34 na Highly Urbanized City (HUC) ang lungsod ng Naga.
Kasunod ito sa naganap na plebisito na pinangunahan ng Commission on Elections.
Isinagawa ng COMELEC ang plebisito para sa ratipikasyonng Proclamation 1267 na pirmado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong Mayo 26 na nagdedeklara bilang HUC ang Naga City.
Mayroong 30,538 na mga botante o katumbas ng 82.12 percent na kabuuang botante ng Naga City ang sumang-ayon.
Labis na ikinatuwa ni Naga City Mayor Leni Robredo ang resulta ng plebesito dahil matapos ang 78 na taon bilang Independent Component City ang lungsod ay nakasali na sa listahan ng HUC ito ngayon.
Pinasalamatan nito ang mga taga Naga dahil sa pakikibahagi nila ng botohan.















