-- Advertisements --

Prioridad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang missile systems at ilang mga armas sa pagpapalakas ng territorial defense.

Ayon kay AFP chief Gen. Antonio Nafarrete, na kasama rin ang pagpapalakas ng depensa laban sa anumang banta dahil sa presensiya ng Chinese naval vessels.

Nakatuon sila sa pagbiling mga “kinetic” capabilities na naka-desenyo para sa pagtama at pagsira ng mga targets nito.

Isinagawa ng AFP chief ang pahayag sa pagbubukas ng 10th AFP Joint Exercise Dagat, Langit at Lupa (AJEXDagitpa).

Ilan sa mga dahilan nila ng pagpapalakas ng armas ay dahil nasa archipelagic geography ang Pilipinas at ang patuloy na presensiya ng barko ng Chinese People’s Liberation Army (PLA) sa international sea lines of communications na tinatawag nila ay siyang dahilan ng pagpapalakas ng kapasidad ng Military.

Kinumpirma din nito na kinetic capabilities ay kinabibilangan ng missiles at nagsasagawa lamang sila ng “active defense” approach subalit hindi na tinukoy pa kung anong uri ng missiles ang bibilihin ng AFP.

Magugunitang mula pa noon ay pinapalakas na ng gobyerno ang missile capabilities nito sa ilalim ng AFP Modernization Program kabilang sa pagbili ng BrahMos shore-based anti-ship missile systems mula sa bansang India.