-- Advertisements --

Inanunsyo ni US President Donald Trump ang isang bagong kasunduang pangkalakalan sa Pilipinas na tinawag niyang “landmark deal” na magpapalakas sa ugnayang pang-ekonomiya ng dalawang bansa.

Sinabi ni Trump na napagkasunduan nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang bago at naiibang trade deal, na inaasahan niyang makikinabang lalo na ang sektor ng agrikultura at enerhiya.

Ipinagmalaki rin ni Trump sa isang tanghalian sa Malacañang na mabilis nilang natapos ang negosasyon at kapaki-pakinabang umano ang kasunduan para sa dalawang bansa. Aniya, lalo nitong patitibayin ang matagal nang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Gayunman, hindi pa inilalabas ang mga detalye ng kasunduan, kabilang ang mga posibleng pagbabago sa taripa, mga konsesyon ng bawat panig at petsa ng pagpapatupad nito. Wala pang inilalabas na opisyal na detalye ang Malacañang tungkol sa mga magiging epekto nito sa mga lokal na industriya.

Nag-anunsyo si Trump ng kasunduan habang papaalis siya ng Maynila patungong China para dumalo sa APEC Economic Leaders’ Meeting. Naganap ito sa taon ng paggunita ng ika-80 anibersaryo ng diplomatikong ugnayan at ika-75 anibersaryo ng Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Estados Unidos.