Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa kampo ni Vice President Sara Duterte na makipag-ugnayan sa kanilang opisina ukol sa alegasyon na dinukot umano ito ng isang hindi kilalang grupo.
Base kasi kayi Atty. Salvador Paolo Panelo Jr, ang tagapagsalita ng Bise Presidente na nakatanggap umano ng mensahe sila mula sa dating kasambahay at humihingi ng tulong.
Matapos ang ilang ay nailigtas umano ang dating staff ng bise presidente.
Subalit sinabi ni PBGeneral Allen Rae Co, ang hepe ng Public Information Office (PIO) ng PNP, na wala silang natatanggap na mayroong naganap na rescue operations.
Lahat aniya ng mga police stations sa buong bansa ay kanilang tinawagan at walang anumang operasyon na isinagawa gaya ng naging pahayag ni Atty. Panelo na kanilang nailigtas ang staff ng Bise Presidente mula sa kamay ng dumukot sa kaniya.
Una ibinunyag ni Panelo na naging matagumpay ang pagkakaligtas sa dating kasamahan ng Bise Presidente.
Maging si National Bureau of Investigation (NBI) director Melvin Matibag ay tinawag ang insidente bilang “Chismis” lamang.














