-- Advertisements --

Nanawagan si Senator Imee Marcos ng mas matatag at agarang hakbang diplomatiko upang maisulong ang isang umiiral at epektibong Code of Conduct sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng pahayag ni US President Donald Trump na hindi siya nababahala sa tensiyon sa naturang karagatan at maaaksyunan naman umano ang isyu. Ginawa ni Trump ang pahayag sa bilateral meeting nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang, nang tanungin kung handa ang Amerika na gamitin ang Mutual Defense Treaty sakaling lumala ang sitwasyon.

Ayon kay Imee, inaasahan din niya ang mas konkretong hakbang upang matigil ang karahasan sa Myanmar. Gayunman, kinilala niya ang ilang naging resulta ng pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN ngayong 2026, kabilang ang paglagda sa ASEAN Digital Economy Framework Agreement, kooperasyon sa regional power grid at pagpapalakas ng kampanya laban sa transnational online crimes.

Kinuwestiyon naman ng senador ang iniulat na P22.9-bilyong gastos ng Pilipinas sa pagho-host ng ASEAN Summit. Aniya, kailangang timbangin ang mga diplomatikong tagumpay laban sa malaking gastusin, lalo na sa gitna ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin at mga hamong pang-ekonomiya na kinakaharap ng mga Pilipino.