-- Advertisements --

Malapit ng makamit ang Pilipinas ang record-high levels ng rice imports sa bansa.

Ayon Bureau of Plant Industry (BPI), na umabot na sa 4.49 milyon Metric Tons ang dumating na mga rice imports.

Ito ay mas mataas na rice imports na 4.48 milyon metric tons na dumating noong naranasan ang 2024 El Niño.

Mula Enero hanggang Oktubre ay nalampasan na ang 3.39 milyon metric tons na kabuuang rice imports na naitala noong nkaraang taon.

Pangunahing pinagmulan ng nasabing mga bigas ay mula sa bansang Vietnam kung saan aabot ito sa 2.79 milyon metric tons.

Sinundan ito ng bansang Thailand at Myanmar.

Magugunitang mas pinalawig pa ng gobyerno ang rice imports ng bansa bilang bahagi ng paghahanda para sa epekto ng El Niño.

Nakikita kasi ng Department of Agriculture na aabot sa limang milyong metriko tonelada ang bigas na inaangkat.