-- Advertisements --

Tinanggihan ng Commission on Elections (COMELEC) ang accreditation applications ng nasa 10 bagong party-list groups na naglalayong makalahok sa 2028 National and Local Elections dahil sa mga kakulangan sa kanilang mga isinumiteng dokumento.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, kabilang ang mga ito sa 13 grupo na nakitaan ng maraming deficiencies sa kanilang aplikasyon.

Maaari namang magsumite muli ng aplikasyon ang mga tinanggihang grupo kung nais nilang ituloy ang kanilang pagpaparehistro.

Sinabi ni Garcia na mas paiigtingin ng komisyon ang pagsusuri sa mga aplikasyon upang hindi makalusot ang mga grupong hindi kuwalipikado.

Sa ngayon, may 143 accredited party-list groups ang COMELEC matapos tanggalin sa listahan ang 50 grupo na hindi lumahok o hindi nakakuha ng puwesto sa nakaraang dalawang halalan.

Bukas pa hanggang Disyembre 18 ang pagpaparehistro ng mga party-list groups, political parties at coalitions para sa 2028 elections.