-- Advertisements --

Inaresto ng mga operatiba ng Solana Municipal Police Station ang isang 47-anyos na most wanted person na nahaharap sa limang bilang ng Qualified Rape of a Minor at isang bilang ng Qualified Rape of a Minor at isang bilang ng Qualified Acts of Lasciviousness sa Cagayan noong Nobyembre 19, 2026.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Romy,” residente ng Solana, Cagayan, kasalukuyan na nasa kustodiya na ito ng BJMP-Tuguegarao City District Jail sa Barangay Cataggamman Pardo dahil sa hiwalay na kaso nang ipatupad sa kanya ang warrant of arrest.

Inilabas ng Regional Trial Court Branch 4 sa Tuguegarao City ang warrant noong Nobyembre 10, 2026 na walang inirekomendang piyansa para sa limang bilang ng Qualified Rape of a Minor, habang itinakda naman sa ₱180,000 ang piyansa para sa Qualified Acts of Lasciviousness.