-- Advertisements --

Mas lalo pang umiinit ang paghahanda para sa ika-75 anibersaryo ng Miss Universe matapos ianunsyo ng organisasyon ang mga host at presenter ng Miss Universe 2026.

Kinumpirma sina television host Mario Lopez at Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel bilang pangunahing hosts ng grand finale na gaganapin sa Nobyembre 24 sa Coliseo de Puerto Rico José Miguel Agrelot sa San Juan, Puerto Rico.

Kabilang din sa mga special presenter ang mga dating Miss Universe na sina Dayanara Torres, Denise Quiñones at Zuleyka Rivera, kasama sina Zuri Hall at NSYNC member Lance Bass.

Aabot sa 116 kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang maglalaban para sa korona. Magsisimula ang kompetisyon sa pagpili ng Top 30, na sasabak sa swimsuit competition. Mula rito, pipiliin ang Top 12 para sa evening gown competition, bago ang Top 5 na maghaharap sa question-and-answer portion.

Mapapanood ang grand finale sa Puerto Rico sa Nobyembre 24, habang Nobyembre 25 naman ito mapapanood nang live sa Pilipinas