Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng 49th ASEAN Summit and Related Summits sa bansa.
Pinuri ng Pangulo ang mga ahensya ng pamahalaan, mga tauhan ng seguridad, volunteers, media teams, at iba pang manggagawa na walang pagod na nagtulungan upang matiyak ang maayos na takbo ng pagtitipon.
Kinilala rin ng punong ehekutibo ang mahalagang papel ng bawat sektor sa pagpapanatili ng kaayusan, kaligtasan, at mainit na pagtanggap sa mga bumisitang lider at delegado mula sa iba’t ibang bansa.
Bukod sa mga nagtrabaho sa likod ng summit, partikular ding pinasalamatan ni Marcos ang mga mamamayang Pilipino na naapektuhan ang pang-araw-araw na gawain at biyahe dahil sa mga inilatag na paghahanda at aktibidad.
Pinahalagahan ng Pangulo ang ipinamalas na pasensya, pang-unawa, at pakikiisa ng publiko sa kabuuan ng rehiyonal na kumperensya.
Iginiit ni Marcos na ang tagumpay ng pagho-host ng Pilipinas ay bunga ng pagkakaisa ng pamahalaan at ng bawat Pilipino.













