-- Advertisements --
Ibinahagi ni Miss Universe Philippines Bea Millan Windorski ang kahalagahan ng sampaguita bilang simbolo ng kulturang Pilipino at taos-pusong pagtanggap sa kapwa.
Sa kanyang post kalakip ang kanyangmga larawan ibinahagi ni Windorski ang pagsalubong sa isang tao gamit ang sampaguita ay hindi lamang simpleng pagbibigay ng bulaklak o garland, kundi pagpapakita rin ng pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Sumasagisag ito sa kadalisayan, kababaang-loob, paggalang, at taos-pusong pagtanggap.















