Kinilala ng bansang Singapore ang epektibong pamumuno ng Pilipinas sa ika-49 Association of Southeast Asian Nations Summit ngayong taon.
Sa naganap na seremonya, inihayag ni Singapore Prime Minister Lawrence Ong ang kanyang pagkilala sa naging papel ng Pilipinas.
Bagama’t masasabing naging mahirap para sa rehiyon at mundo ang taong ito, positibo niyang binati ang progresibong pamumuno pa rin ng bansa sa ASEAN.
Sa ilalim daw kasi ng liderato ng Pilipinas, nanatiling matatag at nagkakaisa ang mga miyembrong bansa ng ASEAN.
Binanggit ng naturang Prime Minister ang mga kasunduan matagumpay nilagdaan katulad ng Digital Economy Framework Agreement na layon mapalakas ang pakikipagkalakalan ng mga bansa sa rehiyon.
Maliban dito’y binanggit din ni Singapore Prime Minister Ong ang ‘full integration’ ng bansang Timor Leste sa ASEAN Family kung saan inaabangan ang pag-upo nito bilang ‘ASEAN Chair’ sa 2029.
Kaya’t sa mga naisakatuparan kasunduan ngayong ASEAN 2026, kanyang binati si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa pamumuno nito.
Matapos ang pamumuno ng Pilipinas, pormal nang naipasa ng bansa sa Singapore ang ‘chairmanship’ ng ASEAN para sa susunod na taon 2027.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr, kumpyansa siya sa kakayahan ng naturang bansa na pamunuan ang ASEAN sa pagpapatuloy ng layunin ‘Navigating Our Future Together’.














