-- Advertisements --

Inanyayahan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Marikina ang publiko na makiisa sa National Bike Day 2026, ngayong ika-21 ng Nobyembre. 

Sa isang online post, hinimok ang mamamayan na makilahok sa iba’t ibang mga gawain inihanda para sa naturang selebrasyon. 

Kung saan isinusulong ang ‘active transport’ sa lungsod para sa mas malusog na mamamayan, ligtas na mga kalsada, at mas malinis na kapaligiran. 

Nagsimula ang programa nitong Sabado habang nakatakdang isagawa naman ang iba pang aktibidad ng Linggo. 

Inaasahan na dadaluhan ito maging ng alkalde ng lunsod na si Marikina Mayor Maan Teodoro.