Hinimok ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Marikina ang publiko na tangkilikin ang negosyo at gawang lokal na mga sapatos.
Nag-aanyaya si Marikina 1st Dist. Rep. Marcy Teodoro na suportahan at bisiyatahi ang tindihan ng mga sapatos ngayong nalalapit ang kapaskuhan.
Nobyembre pa lamang ay binuksan na ang Marikina Christmas Shoe Bazaar 2026 kung saan tampo ang mga de-kalidad at abot-kayang sapatos, travel baf at iba pang panregalo.
Ayon sa mambabatas, magtatagal ang bazaar simula noong ika-13 ng Nobyembre hanggang Enero 10, 2027 na matatagpuan naman sa Marikina Freedom Park.
Aniya’y ang pagbubukas ng ‘Christmas Bazaar 2026’ sa lungsod ay bilang pagsuporta sa mga lokal na industriya ng sapatos.
Habang para sa mga kawani ng pamahalaan, mayroon silang matatanggap na 10-porsyentong diskuwneto sa kanilang pamimili ng mga produktong panregalo.














