-- Advertisements --

Hinimok ng ilang mga grupo mula sa iba’t ibang sektor ang House of Representatives na bigyan pansin ang panukalang Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability o CADENA Act. 

Naniniwala silang dapat mabigyan ang mga Pilipino ng kakayahan na tiyak mabantayan ang paggastos ng pamahalaan sa pondo gamit ang isang pampublikong digital platform. 

Sa liham ipinadala sa mga lider ng Kongreso, hiniling ng koalisyon binubuo ng mga civic, professional at tech organizatioons na agad ipasa ang ‘counterpart measure’ sa Kamara ng Senate Bill No. 1506 o CADENA Act ni Sen. Bam Aquino. 

Bagama’t aprubado na ng Senado ang panukala noong nakaraang taon, wala pang aksyon ang Kamara hinggil dito. 

Magugunitang una nang hinikayat ni Marikina 1st Dist. Rep. Marcy Teodoro ang mga kasamahan na gawing prayoridad ang pagpasa ng CADENA Act.

Inaasahan kasi na makatutulong ito upang mapalakas ang transparency at pananagutan sa mga proyekto ng pamahalaan.