-- Advertisements --

Umabot na sa higit 29-libong katao ang naitalang gumagamit ng bisikleta para sa kanilang pagbiyahe sa lungsod ng Marikina.

Mas mataas ang naturang bilang kumpara sa nakaraang taon 2025 kung saan pumalo ito sa numerong 11, 363. 

Ayon sa Bike Count na isinagawa ng Marikina City Bikeways Office, ang nabanggit na bilang ay pagtaas ng 157% ng mga siklistang naitala sa Marikina City. 

Naniniwala si Marikina City Mayor Maan Teodoro na ang numuero ay positibong indikasyon umano na nagbubunga ang mga programa na nagsusulong sa ligtas at maayos na pagbibisikleta. 

Kaya’t asahan aniya na mas lalo pa nilang pagtitibayin ang mga programa at pasilidad para sa mas ligtas na paggamit ng biskleta sa pagbyahe sa lungsod. 

Alinsunod dito’y nagpaalala naman ang lokal na pamahalaan ng lungsod sa mga nagbibiskleta na ugaliing magsuot ng ‘helmet’ sa pagbyahe para sa kanilang kaligtasan.