Napili ang British aktor na si Robert Pattinson bilang susunod na gaganap na James Bond.
Inanunsiyo ito ng Amazon MGM Studios matapos ang pag-alis ni Daniel Craig sa nasabing long-running spy series.
Nagsimula ang James Bond franchise noong 1962 kung saan pumalo pa ng mahiigt $7 bilyon ang global ticket sales.
Naging kauna-unahang gumanap sa pelikula bilang James Bond ay si Sean Connery.
Ang pelikula na pagbibidahan ni Pattinson ay i-didirek ni Denis Villeneuve na kilalang nasa likod ng mga pelikula gaya ng “Dune” trilogy at “Arrival”.
Habang ang script ay gawa ni Brtion na si Steven Knight.
Sinabi ng aktor na isang malaking karangalan para mapili na gumanap na James bond.
Isa umano itong katuparan sa kaniyang pangarap na noon pa man ay naghangad itong gumanap sa nasabing role.
Umaasa ang film producer na makakahikayat ng mga mas batang mga fans ang pagganap ni Pattinson ng role lalo na sa mga Gen Z.
Sumikat ang aktres sa pagganap niya bilang si Edward Cullen sa “Twilight series” kaparehas nito ang American aktres na si Kristen Stewart.
















