-- Advertisements --

Nagpahayag ng kagustuhan si Filipino boxing icon Manny Pacquiao ng pagkakaroon ng rematch kay retired boxing champion Floyd Mayweather.

Sinabi nito na hirap na makausap ang retiradong boksingero subalit kung interesado si Mayweather ay dapat pumirma na agad ng kontrata at lumaban.

Mula kasi noong talunin ni Mayweather si Pacquiao ng 2015 ay lumutang ang rematch hanggang sa tuluyang nagretiro ang dalawang boksingero.

Magugunitang nagtapos sa majority draw ang laban ni Pacquiao kay Mario Barrios kung saan ito ang unang laban ng Pinoy boxing champion matapos ang pagreretiro .