Ipinagdiwang ng Jesus Is Lord Church Worldwide ang kanilang ika-48 Anibersaryo sa lungsod ng Maynila nitong Sabado, Oktubre 10, 2026.
Kapansin-pansin ang dagsa ng mga taong nagsipagpunta partikular sa Quirino Grandstand kung saan itinayo ang malaking entablado para sa selebrasyon.
Libu-libong indibidwal ang nakisaya sa pag-awit at sumabay sa masiglang pagsayaw nang papuri’t pagsamba sa Diyos nang pasimulan ang programa.
Sa naturang anibersaryo ngayong taon, pinamagatan at may tema itong ‘Abba Father’ na anila’y bilang pagkilala sa di’ nabibigong pag-ibig ng Diyos sa halos limang dekada ng ministro.
Palaging ipinaaalala raw ni Bro. Eddie Villanueva sa kanila na ang Jesus Is Lord Church ay bunga ng puso at paggabay ng Panginoon.
Kaya’t sa ika-48 anibersaryo ng JILCW, ang mga pastor, manggagawa, at miyembro ay hinihimok tumugon sa tawag na magtiwala sa pag-ibig ng Diyos.










