-- Advertisements --

Naglabas ng bagong gabay ang World Health Organization (WHO) upang himukin ang mga bansa na lumipat mula sa pinalawig na pagkukulong sa mga ospital sa psychiatric tungo sa mas makatao at nakatutok sa komunidad na serbisyo sa mental health.

Binigyang-diin ni WHO Director-General Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus na hindi kailangang isakripisyo ng mga pasyente ang kanilang kalayaan at karapatang pantao para lamang makatanggap ng kinakailangang suportang medikal.

Nagbibigay ang bagong gabay ng mga praktikal na hakbang para sa mga pinuno ng pasilidad upang bawasan ang matagalang confinement at tulungan ang mga pasyente na makabalik sa lipunan sa tulong ng pabahay, trabaho, at suporta sa pamilya.

Nanawagan ang WHO sa mga pamahalaan sa buong mundo na bilisan ang pamumuhunan sa mga lokal na programa sa kalusugan, lalo’t siyam na porsyento pa lamang ng mga bansa ang ganap na nakalipat sa ganitong sistema ng pangangalaga.