-- Advertisements --

Iniuwi na sa Switzerland ang babaeng ginagamot matapos na dapuan ng Ebola habang ito ay nasa Nigeria.

Kasama nitong inilipat sa Switzerland ang kaniyang asawa.

Habang patuloy na minomonitor ng Nigerian Health Ministry ang nasa 52 na katao na nakasalamuha nito.

Sinabi naman ni Nigerian Health Minister Muhammad Pate na bumubuti na ang lagay ng kalusugan ng pasyente bago ito ilipat pabalik sa Switzerland.

Patuloy itong ginagamot sa Geneva University Hospital habang ang asawa nito ay naka-isolate sa Zurich University Hospital.

Paliwanag naman ni World Health Organization regional director for Africa, Mohamed Janabi, na kaya inilipat sa pamamagitang medical flight ang pasyente dahil ito ay Swiss citizen kasama ang asawa at na-istabilize na Nigerian medical teams ang pasyente bago ilipad ito pabalik sa Switzerland.