Ibinahagi ni Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Senator Bato Dela Rosa ang paghahain nila ng ‘manipestasyon’ sa Kataas-taasang Hukuman.
Nitong ika-27 ng Oktubre, sa pamamagitan ng e-filing sa Korte Suprema, kanilang inihain ang manipestasyon na may kalakip na kahilingan sa hukuman.
Hiling ng kanilang kampo na tuluyan iresolba ng korte ang ‘motion for reconsideration’ nila at mapagbigyan na irekunsidera din ang pag-iisyu ng Temporary Restraining Order.
Magugunitang sa naunang ‘manipestasyon’ ni Senator Bato Dela Rosa ay ibinasura ng Korte Suprema ang kahilingan nitong maglabas ng TRO.
Dumulog kasi sa hukuman ang senador sa layon mapigilan na siya’y arestuhin ng mga awtoridad gamit ang ‘warrant of arrest’ mula sa International Criminal Court.
Ngunit ito’y hindi pinaburan ng korte sapagkat kulang umano sa merito o ‘lack of merit’ ang mosyon ng mambabatas para mag-isyu ng TRO ang hukuman.
Gayunpaman, sa pinakabagong manipestasyon ng senador, ipinababaliktad nito ang naturang desisyon ng Korte Suprema nagbasura sa kanyang hiling na TRO.
















