-- Advertisements --
Hindi inaalis ni International Criminal Court (ICC) Assistant to Counsel Atty. Kristina Conti ang posibilidad na gumamit ng ibang estratehiya ang pamahalaan sakaling mayroong “secret warrant” laban kay Senador Bong Go at iba pang indibidwal.
Ayon kay Conti, maaaring magbago ang paraan ng pagpapatupad ng warrant matapos ang mga naunang karanasan ng pamahalaan sa pag-aresto ng mga indibidwal na inuugnay sa mga kaso sa ICC.
Matatandaang kabilang si Go sa mga pinangalanan ng ICC bilang umano’y co-perpetrators sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang-diin ni Conti na kailangang kumilos ang pamahalaan upang maipakita ang commitment nito sa international justice.














