-- Advertisements --

Naglabas ng bagong kanta ang OPM singer na si Bamboo.

Ang kantang “Alon” ay siyang unang kanta na inilabas ni Bamboo matatapos ang 11 taon.

Patungkol ang nasabing kanta sa mga nagaganap na isyung pulitikal sa bansa.

Sinabi ni Bamboo, napagtanto niya na napapanahon na para maglabas ito ng panibagong kanta.

Nakaramdam ito ng sakit at puno ng emosyon sa nasabing kanta.

Paliwanag nito na kahit hindi siya naglabas ng mga kanta ay naging abala din ito sa paggawa ng mga konsiyerto sa ibang bansa.

Kasama rin na pinagkakaabalahan nito ay ang collaboration sa ibang mga musikero.

Huli itong naglabas ng kanta noong 2015 na may pamagat na “Bless The Mess”.