-- Advertisements --
Muling ipinakita ni Black Eyed Peas founding member na si Apl. de Ap. ang pagmamahal niya sa bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng paglabas ng bagong kantang “PPP” na alay sa mga Filipino.
Dagdag pa nito na ang EP nito na tatlong kanta ay isang love letter sa Pilipinas.
May isang kanta na nakasama niya si Bamboo.
Makikita sa nasabing music videos ang mga hamon na kinakaharap ng bansa gaya ng pagbaha ganun din ay ipinakita niya ang ilang mga atleta ng bansa na tunay na maipagmamalaki.
Sinabi nito na ito ang unang EP niya sa labas ng Black Eyed Peas kaya personal ito.












