-- Advertisements --

Inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr na kabilang ang Pilipinas sa mga bansang may malaking agwat sa pagitan ng lawak ng teritoryong kailangang depensahan at kakayahan ng militar.

Aniya, hindi lamang armas ang kailangan kundi sapat na infrastructure, storage facilities at military land.

Binigyang-diin ni Teodoro na mas mahirap ang defense requirements dahil archipelago ang Pilipinas at malawak ang maritime area nito.

Kailangan aniyang suportahan ng mga kalsada, tulay, pantalan at iba pang pasilidad ang military operations at disaster response.

Tinatayang NASA 1.7 percent ng GDP ang defense spending ng pilipinas, ayon kay Teodoro.

Aniya, hindi sapat ang pagbili lamang ng karagdagang armas, at kailangan pa rin ng reliable command-and-control systems, radars, satellites at maritime assets.

Nanawagan din si Teodoro para sa pagbuo ng sariling defense industry, kabilang ang research and development at local production capabilities.

Sinusuri rin umano ang mga Chinese-made components sa military equipment dahil sa posibleng supply disruptions kapag tumaas ang tensyon.