-- Advertisements --

Sinimulan na ng American rapper na si Macklemore ang kaniyang Free Palestine tour sa Dublin.

Kasunod ito sa kontrobersyal na desisyon ng English singer na si Ed Sheeran na hindi na isama ang rapper sa kaniyang tour noong nakaraang buwan.

Umabot sa mahigit 13,000 na mga fans ito ang nanood sa kaniyang konsiyerto sa 3 Arena sa Ireland.

Ang rapper na Benjamin Haggerty sa tunay na buhay ay nag-anunsiyo ng pagkakaroon ng konsiyerto ilang araw matapos na tanggalin siya ni Sheeran sa kanilang Loop Tour dahil sa kaniyang pro-Palestinian comments sa stage.

Nakatanggap ito ng mga batikos mula sa Jewish groups dahil sa kani yang komento na may kinalaman sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nasasawi sa giyera ng Israel sa Gaza.