-- Advertisements --

Sinurpresa ni British singer Ed Sheeran ang mga fans sa isang music and arts festival sa Ireland.

Kinanta nito ang mga hitsongs kasama ang Irish bands na Amble, BIIRD, Beoga at Aaron Rowe sa The Sky and the Ground pub sa Wexford.

Ang nasabing festival ay taunang ginaganap sa lugar kung saan hindi bababa sa kalahating milyong bisita mula sa ibang bansa ang bumibisita.

Sa kada taon ay magkakaibang lugar sa Ireland ito ginanap kung saan sa susunod na taon ay gaganapin ito sa Belfast.