-- Advertisements --

Iginiit ni Atty. Sheila Sison, lead counsel ng depensa ni Vice President Sara Duterte, na dapat ibasura ang buong impeachment case at ang mga articles of impeachment kung magpapasya ang impeachment court na hindi tanggapin ang mga ebidensiyang iniharap o iniaalok ng prosekusyon, kabilang ang mga may kaugnayan sa natitirang article II.

Kasunod Ito ng ruling ng impeachment court sa pag-withdraw ng tatlo sa apat na articles of impeachment laban sa Bise Presidente.

Ayon kay Sison, nakatakda ang pagpapatuloy ng mga pagdinig sa Nobyembre 9, 10, 11 at sa mga susunod pang araw, ngunit ang iskedyul ay hindi umano dapat ituring na kumpirmasyon na magpapatuloy ang paglilitis.

Nilinaw niyang nakasalalay pa rin ito sa magiging desisyon ng impeachment court hinggil sa alok na ebidensiya ng prosekusyon.

Aniya, kung Hindi tatanggapin ang mga ito, ang nararapat na hakbang ay ibasura ang buong kaso.