-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng National Food Authority (NFA) ang pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa na ito ay makakatulong para maiwasan ang kakulangan ng bigas sa bansa.

Sinabi ni NFA Adminstrator Larry Lacson, na ang rice importation plan ay isinusulong ng mga private rice industry stakeholders group.

Paglilinaw nito na walang anumang papel ang gobyerno ukol sa nasabing usapin.

Dagdag pa nito na walang dumaan na permit sa kanila at hindi sila nag-iimport ng mga bigas.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ng Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) na mayroong silang pinirmahan na kasunduan ng USA Rice para payagan ang pagpasok ng bigas mula sa Estados Unidos simula 2027.