Kampante ang Department of Agriculture (DA) na mararamdaman na ng mga konsumer ang mas mababang presyo ng mga karne sa local market, pagsapit ng Nobiyembre o Disyembre.
Ito ay kasunod ng tuluyang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtaas ng bulto ng mais na aangkatin ng bansa.
Maalalang sa bagong kautusan ay itinaas ang dating 220,000 metric tons patungong 500,000 metric tons ang Minimum Access Volume para sa importasyon ng mais.
Ayon kay Agriculture Spokesperson, Asec. Arnel De Mesa, magiging malaking tulong ang pagtaas sa aangkating bulto ng mais para matugunan ang problema sa livestock industry na mataas na presyo ng feeds o pagkain ng mga hayop.
Tiyak aniyang mapapababa ang gastos sa pagkain ng mga alagang hayop at maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng karne, kapag tumaas ang stock o supply ng mais na pangunahing sangkap sa paggawa ng animal feeds.
Ang bagong hakbang aniya ay bahagi ng committment ng PH government na protektahan ang hog raisers at palaguin ang livestock industry sa buong bansa.















