-- Advertisements --

Pinagkokomento ng Korte Suprema ang Senate impeachment court at House of Representatives kaugnay ng petisyong kumukuwestiyon sa voting threshold para mahatulan si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Inihain ang petisyon nina Senators Robin Padilla at Bong Go, ng PDP-Laban at iba pang mga abogado. Sa resolusyong may petsang Oktubre 14, binigyan ng SC ang dalawang kapulungan ng limang araw mula sa pagtanggap ng abiso upang magsumite ng komento.

Kasunod ito ng botohan ng Senate impeachment court nitong Miyerkules, kung saan inaprubahan ng 13 senator-judges ang pagbubukod sa mga mambabatas na nakakulong, suspendido o legal na hindi makaganap ng kanilang tungkulin sa pagkukuwenta ng two-thirds vote na kailangan para mahatulan si Duterte.

Dahil 20 na lamang ang bibilanging senator-judges, katumbas ng 13 boto ang kinakailangang two-thirds threshold matapos i-round up ang 13.333, dahil walang maituturing na bahagi ng isang senador.