-- Advertisements --

Iginiit ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi dapat pangunahan ang Pangulo kung sino ang nais nitong italaga sa pwesto ni Vice President Sara Duterte sakaling ma-convict man ito sa kaniyang impeachment trial.

Binuwelatahan ni Lacson ang mga pahayag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na dapat tumanggi ang mga senador sakaling alukin sa naturang pwesto.

Ayon kay Lacson, nakasaad sa Konstitusyon na dapat sa miyembro ng Senado o Kamara pipili ang Pangulo nang papalit sa pwesto kung sakaling ma-convict si Duterte, kung kaya’t hindi niya umano ito nakikitaan ng conflict of interest kahit kabilang sila proseso ng paglilitis.

Dagdag pa niya, hindi dapat limitahan ni Cayetano ang mga kapwa senador kung may oportunidad para sa mga kasamahan na maging bise Presidente.

Gayunman, nilinaw ni Lacson na tatangihan niya ito kung siya ang aalukin sapagkat masaya umano siya sa kaniyang trabaho sa Senado.