Nagsampa ng kasong cyberlibel si dating National Security Adviser Clarita Carlos sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Rear Adm. Jay Tarriela and Philippine Military Academy Superintendent Lt. Gen. Michael Logico.
Kinumpirma ito ni NBI Director Melvin Matibag ang pagsampa ng kaso ni Carlos dahil sa mga social media post laban sa kaniya.
Kanilang binigyan ng atensiyon si Carlos noong ito ay nagtungo sa NBI nitong nakaraang Biyernes, Oktubre 23.
Dahil dito ay magpapadala sila ng sulat kay Tarriela, Logico at iba pang indibidwal para bigyang linaw ang reklamo sa kaniya.
Tiniyak naman ni Tarriela na kaniyang sasagutin ang anumang sulat na ipapadala ng NBI.
Magugunitang pinuna ni Tarriela si Carlos dahil sa tinawag siyang naghahanap ng kaguluhan matapos na batikusin ang ginagawang pag-angkin ng China sa karagatang bahagi ng West Philippine Sea.
















