-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na magiging patas ang ginagawa nilang imbestigasyon ukol sa epekto ng imported na karne ng baboy sa mga lokal na hog raisers.

Ayon sa DA na maryoon silang ebidensiya na nagdudulot ng malaking banta sa domestic hog industyr ang pagpasok ng mga imported na karne ng baboy.

Sakop ng imbestigasyon ang taong 2021 hanggang Agosto 2026.

Nakasaad kasi sa Republic Act 8800 o ang Safeguard Measures Act na maaaring magsagawa ng imbestigasyon ang Kalihim ng DA sakaling mayroong ebidensiya na ang pagtaas ng pagpasok ng mga imported na karne ay nakakasira sa lokal na hog industry.

Dahil dito ay plano ng DA na itaas ang taripa sa mga imported na karne ng baboy dahil sa pagbaba ng farmgate prices.