-- Advertisements --

Magpapakalat ang United Kingdom ng mga fighter jets para ipagtanggol ang Saudi Arabia laban sa pag-atake ng Houthi rebels sa Yemen.

Ayon sa UK Defense ministry, na magkakaroon ng defensive counter air-missions ang Royal Air Force Typhoon fighter jets.

Kaya ng nasabing jets na maharang ang mga missiles at drones laban sa Saudi Arabia.

Sa mga nagdaang buwan kasi ay pinaigting ng Houthis ang kanilang pag-atake sa Saudi Arabia sa gamit ang ballistic missiles at drones.

Tinarget ng Iran-backed na Houthis ang pangunahing imprastraktura kabilang ang oil facilities at mga paliparan.

Nagbigay na ang UK ng air-to-air refueling support sa Saudi Arabia at nagpakalat na rin ng air defense equipment at British personnel para tulungan na maprotektahan ang kaharian ng Saudi Arabia.