-- Advertisements --

Naglaan ang Sugar Regulatory Administration (SRA)ng P13-milyon na pondo na gagamitin sa second phase ng cloud-seeding operations sa buwan ng Nobyembre.

Layon nito ay para matulungan ang lupain para sa asukal na maaaring maapektuhan dahil sa banta ng El Niño.

Ayon kay SRA Board Member David Andrew na mayroon na silang unang cloud seeding operations noong Setyembre na nagkakahalaga ng P6-M mula sa Bureau of Soils and Water Management ng Department of Agriculture.

Itinuturing nito na naginga matagumpay ito dahil sa nakamit nila ang 100 percent na rainfall success rate.