Inaasahang tataas ng hanggang 18% ang tinatayang global price ng bigas sa susunod na taon dahil sa banta ng El Niño. Ayon sa Business Monitor International, lubos na maapektuhan ng matinding El Niño ang pag-ani ng bigas sa mga pangunahing bansa sa Asya.
Inaasahan din na tataas ang presyo ng bigas sa unang kwarter ng 2027, ayon pa sa Business Monitor International malaki ang epekto ng El Niño sa planting cycles sa bansa sa Asya.
Sa tala ng BMI, itinaas na rin nito ang 2026 price forecast mula sa $12.90 kaugnay sa “stronger-than-expected price momentum” sa ikatlong kwarter ngayong taon. Kaya naman umakyat sa pinakamataas na antas nito sa loob ng 29 buwan na umabot sa $17.80 nitong Oktubre.
Samantala, sinabi naman sa Department of Agriculture na maaaring maapektuhan din ng El Niño ang pagbaba ng prokduksyon ng bigas, mula sa 700,000 metric tons ay maaari itong mabawasan sa 1 milllion metric tons, na posibleng magresulta sa pagkalugi ng ₱20 bilyon sa ilalim ng pinakamalalang sitwasyon.














