-- Advertisements --

Inamin ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nagtatago sa Mindanao si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Sinabi ng opisyal na siya ay pinoprotektahan ng maimpluwensiyang grupo.

Patuloy ang kanilang ginagawang negosasyon sa grupong kumupkop para maiwasan ang anumang madugong engkuwentro.

Dagdag pa nito na maaring umabot sa 10,000 katao ang masasawi sakaling magkaroon ng engkuwentro sa panig ng mga otoridad at sa grupo na kumupkop sa Senador.

Una ng sinabi ni Remulla na maaring mauwi sa madugong engkuwentro kapag pinilit ng kapulisan na pasukin ang kota ng pinagtataguan umano ng Senador dahil sa dati itong hepe ng Philippine National Police (PNP).

Ang Senador ay mayroong warrant of arrest mula sa International Criminal Court dahil sa crime against humanity dahil sa pagiging hepe ng PNP noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya nito sa iligal na droga.